^

Metro

Pedicab driver dinedo ng 3 lasing

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos manood ng dance contest sa bisperas ng Piyesta sa Pandacan, nasawi ang isang 18-anyos na pedicab driver nang makursunadahan at pagsasaksakin ng tatlong lasing sa kalye, habang papauwi ng bahay sa
 Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling araw
.

Bigong maisalba ng UERM Hospital  dahil sa malalalim na saksak na tinamo sa dibdib ang biktimang si Jay-Ar Lagmay, residente ng no, 450 Makisig St., Sta.Mesa, Maynila.


Tatlong lasing naman ang sinasabing may kagagawan ng pananaksak, na inilarawan sa mga edad na 20 hanggang 30, isa ay nasa 5’5 ang taas,  ang isa pa ay nasa 5’7 ang taas at dalawa sa mga ito ang
 nakasuot umano ng kulay puti na t-shirt.

Sa ulat ni SPO2  Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong  alas 2:30 ng madaling araw nang papauwi na umano ang biktima at mga kaibigang sina Pancho Sandugan Jr,, 20; at Dean Angelo
Arellano, 19, nang dumaan sa panulukan ng Bacood at Bataan Sts., sa Sta.Mesa, ay hinarang ng tatlong suspect.


Kagagaling lamang umano ng magkakaibigan sa pano­nood ng dance  contest at hindi akalain na kukursunadahin, ng isa sa tatlo at tanungin sila
 kung tagasaan.


Upang hindi umano mahalata na takot, sinagot umano ng biktima na “bakit mo ako sinisigawan.”
   

Sa pag-aakala na may dalang patalim ang biktima, na nakapamulsa dahil sa ginaw, sinigawan muli siya ng isa sa tatlong suspect nang “bunutin mo na yan , baka  maunahan kita ” hanggang sa mabilis na inun­dayan ng saksak ang biktima habang ang mga kaibigan ay mabilis na tumakbo papalayo.
            Nang tumakas na ang mga suspect ay binalikan ng mga kaibigan ang duguang biktima at binuhat upang dalhin sa ospital.

         

Bandang alas 4:35 ng madaling araw  nang tulu­yang bawian ng buhay ito sa pagamutan.

 

vuukle comment

BATAAN STS

DEAN ANGELO

JAY-AR LAGMAY

MAKISIG ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MILBERT BALINGGAN

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with