^

Metro

Computer programmer, tinigok ng tripper

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang computer programmer ang nasawi matapos na saksakin sa leeg at dibdib ng isang hinihinalang tripper habang naglalakad ang biktima sa Brgy. Rosario, Pasig City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Joe Marie Pagdato, 44, at residente ng Rosario Village, Brgy. Rosario sa lungsod.

Ayon kay PO3 Eduardo Pablo, mismong ang suspek na si Freddie Cruz, 23, alyas Chad-Chad na kalugar ng nasawi ang nagsabing hindi niya kaaway ang biktima kundi nakursunadahan o napagtripan lang umano niyang saksakin.

Sa ulat ni Pablo, naganap ang insidente sa Rosario Village, Brgy. Rosario dakong alas-4:45 ng madaling-araw habang naglalakad ang bik­tima nang makita  ng suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak.

Isang Ridgeway Ravelo ang nakakita sa biktima na sumisigaw at humihingi ng saklolo habang inuundayan ng saksak ng suspek.

Matapos ang pananaksak ay naglakad lamang papalayo sa crime scene ang suspek kaya nagawang madakip ng mga awtoridad.

Isinugod naman ni Ravelo­ sa Alfonso Hospital ang biktima bago inilipat sa Pasig City General Hospital (PCGH) ngunit binawian din ng buhay.

vuukle comment

ALFONSO HOSPITAL

BRGY

EDUARDO PABLO

FREDDIE CRUZ

ISANG RIDGEWAY RAVELO

JOE MARIE PAGDATO

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

ROSARIO VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with