^

Metro

Waiting shed sinuyod ng dump truck: Ginang patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang habang sugatan naman ang dalawa niyang paslit na anak  matapos na  su­yurin sila  ng isang dambuhalang dump truck  sa isang waiting shed sa bahagi ng Commonwealth Avenue, lungsod Quezon.

Dead-on-arrival sa ospital si Racquel Mancia, 28, ayon kay PO2 Alfredo Moises, ng Quezon City Police Traffic Sector 5. Habang ligtas naman anya ang mga anak nitong sina IC, anim na buwang gulang, at Kalie, 3-anyos.

Nasa kustodiya naman ng TS5 ang driver ng dump truck (RKE-946) na si Ruben Paraiso, 59, ng Sta. Maria Bulacan.

Nangyari ang insidente sa may waiting shed na matatagpuan sa panulukan ng Commonwealth Avenue, corner Failane, ganap na alas-11:30 ng gabi.

Bago ito, inihatid umano nang mag-iina ang ama ng tahanan sa saka­yan papasok sa trabaho. Nang makasakay ang lalaki, naiwan si Raquel sa naturang waiting shed pero habang papatawid ay biglang sumulpot ang dump truck at nabundol ang mga biktima.

Pumailalim pa sa truck ang mag-iina pero si Mancia ang labis na napinsala ang buong katawan, habang nagalusan lamang ang kanyang mga anak, dagdag ni Moises.

Sinasabing ito ang unang pagkakataon na hinatid ni Mancia ang kanyang asawa sa sakayan papasok sa trabaho.

Katwiran naman ni Paraiso, bigla umanong nawalan ng preno ang truck at mas pinili niyang­ ikabig ito papunta sa gutter­ malapit sa waiting shed para ma­iwasan ang maraming sasakyan.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical injuries ang kinakaharap ngayon ng driver ng truck.

vuukle comment

ALFREDO MOISES

COMMONWEALTH AVENUE

FAILANE

HABANG

MANCIA

MARIA BULACAN

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

RACQUEL MANCIA

RUBEN PARAISO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with