^

Metro

Lalaki naingayan, driver inutas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver makaraang barilin sa ulo ng isang lalaki na na­ingayan sa ginagawa nitong pagwawala sa tapat ng bahay ng karelasyong babae, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Reynaldo Villanueva, 45, may-asawa, at dating naninirahan sa no. 113 Adabte St., Bgy. Tañong, ng naturang­ lungsod. Agad namang nadakip ng mga otoridad ang suspect na si Franklin Hinani­ban, 26, ng Pinagsabugan, Longos, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon Police, lasing na nagtungo da­kong alas-10 ng umaga ang biktima sa harap ng bahay ng babaeng karelasyon nito sa Pinagsabugan, Brgy. Lo­ngos at nag-umpisang magwala nang hindi siya harapin ng babae.

Nagalit naman ang kapitbahay na si Hinaniban dahil sa nililikhang ingay ng pagwawala ni Villanueva.  Nauwi ang pagtatalo sa hamunan ng away hanggang sa lumabas ng kanyang bahay ang suspect na armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at agad na paputukan si Villa­nueva nang malapitan sa ulo.

Nagtangka pa umanong tumakas ng suspect ngunit agad na nasakote ito ng mga rumespondeng pulis at barangay tanod sa isinagawang follow-up operation.

 

vuukle comment

ADABTE ST.

BGY

BRGY

FRANKLIN HINANI

MALABON CITY

MALABON POLICE

PINAGSABUGAN

REYNALDO VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with