^

Metro

Masayang pagdiriwang, nauwi sa patayan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tama ng bala sa dibdib ang ikinasawi ng isang 40-anyos na ama, habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kaniyang anak, na tumagos sa likod at tumama pa sa isang paslit na naglalaro malapit sa inuman sa Parola Compound, Binondo, Maynila, kahapon ng tanghali.

Dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital  ang biktimang si Reynaldo Salindao, helper, ng Gate 56  Area-H Parola Compound, Binondo.

Nilalapatan na rin ng lunas sa nasabi ring ospital ang natamaan ng ligaw na bala na si Aloy­sios Domnil, 3-anyos, kapitbahay ng biktima.

Hinahanting na ng mga awtoridad ang itinuturong suspect na isang alyas “Joel Waray”, na tumakas dala ang  ginamit na baril.

Sa ulat ni SPO1 Christian Caparas  ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:00 ng tanghali  nang maganap ang nasabing insidente sa harap mismo ng bahay ng biktima.

Nag-iinuman umano sa labas ng bahay ang biktima at mga kapit­bahay nang dumating ang suspect at naki­pag­diskusyon sa una hanggang sa bumunot ng baril ang suspect at paputukan ang biktima. Nagkataon namang may batang naglalaro sa tabi nila na natamaan ng ligaw na bala.

 

vuukle comment

ALOY

AREA-H PAROLA COMPOUND

BINONDO

CHRISTIAN CAPARAS

JOEL WARAY

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PAROLA COMPOUND

REYNALDO SALINDAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with