^

Metro

Helper patay sa kemikal sa loob ng bunker

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang helper makaraang makalanghap ng kemikal sa loob ng bunker tank ng kanilang kompanya nang tangkaing iligtas ang kanyang bisor, kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Binawian ng buhay sa loob ng Rizal Medical Center ang biktimang nakilalang si Sherwin Julao, 28, ng Eusebio St., San Miguel, Pasig City habang ino­obserbahan naman ang 25-anyos na si Peter Javier, assistant supervisor ng Topchem Corporation.

Sa ulat, dakong alas- 4 ng hapon nang unang pumasok sa loob ng walang lamang bunker tank na pag-aari ng Regent Foods Corporation sa may Elisco Road, Brgy. Ibayo Tipas, Taguig si Javier upang ins­peksyunin ang loob nito dahil sa ang kompanya nila ay sub-contractor sa paglilinis nito.

Nakita naman ni Julao si Javier na biglang bumagsak at nawalan ng malay sa loob ng tangke kaya agad niyang sinaklolohan ito.  Dito nawalan rin ng malay si Julao nang makalanghap rin ng kemikal.

Dito na humingi ng tulong sa pulisya si Christopher Yap, 39, warehouse man ng kompanya hanggang magresponde na rin ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at Taguig Rescue Team na may sapat na kagamitan upang mailabas sa bunker tank ang dalawang biktima.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente habang inaalam kung may pananagutan ang Regent Foods Corporation sa insidente.

 

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHRISTOPHER YAP

DITO

ELISCO ROAD

EUSEBIO ST.

IBAYO TIPAS

JAVIER

JULAO

REGENT FOODS CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with