^

Metro

Lalaki’t babae natagpuang patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babae  at isang lalaki  ang nadiskubreng kapwa patay sa loob ng bahay ng una sa Parola Compound, Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Gerly Liongson , 38, residente ng Area-C, Gate 54, Parola Compound, Binondo, Maynila at Emond Lacay, 39, Hermosa st., Gagalangin, Tondo,  Maynila, kapwa may asawa.

Wala pang matukoy na suspect sa nasabing krimen matapos madatnan  lamang umano ng isang babaeng kustomer ni Liongson sa Natasha product ang mga walang buhay na biktima alas- 4:00 ng hapon kamaka­lawa sa 2-storey house  ni Liongson. Magulo umano ang kabahayan na mis­tulang hinalughog.

Sa ulat ni SPO2 Ro­nald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section, nagtungo umano sa bahay ni Liongson ang isang kakilala upang bumili ng Natsha product subalit sa pagpasok  pa lamang niya sa sala ay nakita niyang nakasubsob ang pakay, na duguan at ang kasamang lalaki naman ay nakatihaya, duguan din at kapwa walang buhay.

Batay sa nakalap na impormasyon ng mga awtoridad mula sa mga kapitbahay, dakong alas- 4:00 ng hapon nitong Oktubre 30 nang makitang dumating sa nasa­bing bahay ang dalawang biktima. Dakong alas-10 ng gabi naman ng araw ding iyon ay nakarinig ng magkakasunod na putok ang isa pang kapitbahay.

Wala pang kumpirmadong motibo sa krimen subalit inaalam kung may anggulong love triangle dahil kapwa may-asawa ang dalawang pinaslang.

vuukle comment

AREA-C

BINONDO

EMOND LACAY

GERLY LIONGSON

LIONGSON

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PAROLA COMPOUND

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with