^

Metro

2 utas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect habang ang mga biktima ay nasa  loob ng isang pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sina Ruben Reguya Jr., 33; at Adrian Villones, 15, ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital sanhi ng mga tama ng bala sa kanilang mga katawan, ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga, may hawak ng kaso.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng General Avenue­, Brgy. Toro, ganap na alas-8:45 ng gabi.

Ayon sa pulisya, bago ang pamamaril, nakitang nasa loob ng jeep na minamaneho ni Reguya ang dalawang biktima at nakikipag-usap sa isang hindi nakikilalang babae na agad namang umalis. Ilang sandali habang pababa ng kanyang jeepney si Reguya, biglang sumulpot ang isang motorsiklo  saka huminto sa tabi ng kanyang sasakyan.

Kasunod nito ay bumaba ang backrider at pinagbabaril ang mga biktima na nasa loob pa rin ng jeepney.

Matapos ang pamamaril ay muling umangkas sa motorsiklo ng kasamahan ang gunman, saka sumibat papalayo at iniwan ang duguang mga biktima sa lugar.

Ilang kapitbahay ang nagtulung-tulong para maitakbo ang mga biktima sa Quezon City General Hospital kung saan si Reguya ay nasawi ganap na alas-9:50 ng gabi at si Villones ay alas-10:14 ng gabi habang nilalapatan ng lunas.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen, habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.

vuukle comment

ADRIAN VILLONES

AYON

BLANGKO

CRISTITUTO ZALDARRIAGA

GENERAL AVENUE

ILANG

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

REGUYA

SINA RUBEN REGUYA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with