^

Metro

Biyudo naaburido,nagbigti sa puno

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa labis na problema at pagka-aburido, ipinasya ng isang biyudo na magpagkamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa puno ng santol sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Virgilio Tagudin, 67,  at nanunuluyan sa Balumbato Fly-over, Quirino Highway, Brgy. Balonbato sa lungsod.

Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga, si Tagudin ay natagpuan na lamang nakabitin sa puno ng kanyang anak na si Josephine, ilang minuto matapos na ito ay magpa-alam umano sa kanya. Dalawang linggo  bago ang insidente, humingi umano ng pera sa kanyang anak ang nasawi para pamasahe pabalik sa kanilang probinsya sa Bicol dahil mahirap daw ang buhay na naranasan niya dito sa Manila.

Pero hindi agad ito naibigay  ng anak, hanggang kahapon ganap na ala-1 ng madaling-araw ay nagsabi umano ang biktima kay Josephine ng katagang “ Nene babay na, aalis na ako, Paalam na sa inyo, maraming salamat” bagay na binalewala naman ng huli.

Pero ilang minuto ang lumipas ay nag-alala rin si Josephine dahil wala pa sa kanilang bahay ang kanyang tatay. Dahil dito, nagpasya na siyang hanapin ang ama hanggang  makita ang huli na nakabitin sa puno ng santol at wala ng buhay.

vuukle comment

AYON

BALONBATO

BALUMBATO FLY

BICOL

BRGY

CRISTITUTO ZALDARRIAGA

DAHIL

PERO

QUIRINO HIGHWAY

VIRGILIO TAGUDIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with