^

Metro

Inutangan na, pinatay pa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang fuel inspector ang  binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect, kahapon ng  umaga  sa Tondo, Maynila.

Nasawi habang gina­gamot sa Mary Jhonston Hospital ang biktimang si Leonardo Pelaez, 59,  empleyado ng  Oceanic Container at residente ng  Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Nagsasagawa naman ng follow-up operations ang pulisya laban sa suspect na tumakas.

Sa report ni Det. Rommel Del Rosario ng MPD-homicide section, dakong alas-6:00 ng umaga ng maganap ang insidente sa isang eskinita s a harapan ng tinitirhang building ng biktima.

Ayon sa salaysay ng asawa ni Leonardo na si Leona, narinig niyang may kausap ang kanyang mister sa cellphone na isang Al na umano’y humihiram ng pera sa kanyang asawa.

Bumaba umano ang biktima mula sa 3rd floor ng kanilang inuupahang bahay upang umano’y ibigay­ ang perang hinihiram ng tumawag.

Ilang sandali lang nakarinig siya ng putok ng baril at nang kanyang alamin ay nakita ang biktima na duguang nakahandusay sa semento.

Nabatid na matapos ang papamaril ay tumakas ang suspect sa direksiyon ng Lualhati St.

Ayon kay Del Rosario, bagama’t ang alyas Al ang huling kausap ng biktima, inaalam pa kung may ka­ugnayan ang huli sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment

AYON

BUMABA

DEL ROSARIO

LEONARDO PELAEZ

LUALHATI ST.

MARY JHONSTON HOSPITAL

MAYNILA

OCEANIC CONTAINER

ROMMEL DEL ROSARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with