^

Metro

135 taon kaarawan ni Quezon, ginunita

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sama-samang ginunita kahapon ng pamahalaang lungsod Quezon ang ika- 135 taon kaarawan ni dating Pa­ngulong  Manuel Luis Quezon at ang  kanyang mga nagawang hak­bangin tungo sa pagpapa­unlad sa bansa.

Sa isang simpleng sere­monya sa Quezon Me­morial Shrine Museum, kinilala ni QC  Mayor Herbert Bautista ang nagawa sa bansa ng tinaguri­ang ama ng lungsod.

Guest of Honor at  Speaker sa okasyon si dating Senator Edgardo J. Angara, na isa ring taga-Quezon na isa sa may kaalaman sa naging legacy sa bansa ng dating Pangulo.

Sa kanyang speech, si­nabi ni Angara na si  Quezon ay isa sa mga naging haligi sa pagpapaunlad ng Pilipinas kaya  dapat na maipagpa­tuloy ang mga napasimulan nito para makamit ang matinding pagkakaisa sa bansa at paglago ng ekonomiya.

Ilan lamang sa mga le­gacy ni Quezon ang paglikha sa National Economic Planning Authority (NEDA), Govern­ment Service Insurance System (GSIS), Agrarian Reform Agency na ngayon ay Department of Agrarian Reform, National Power Corporation (NAPOCOR) at ang  National Food Agency ( NFA).

Sa okasyon, nag-represent sa pamilya Quezon si Vira Arceo.

Si dating Pangulong  Quezon ay namatay sa tuber­culosis noong August 1, 1944 sa  Saranac Lake, New York.

vuukle comment

AGRARIAN REFORM AGENCY

ANGARA

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

GUEST OF HONOR

MANUEL LUIS QUEZON

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with