^

Metro

Paslit todas sa ligaw na bala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang batang babae makaraang tamaan ng ligaw na bala sa isang insidente ng pamamaril sa Taguig City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat na ipinadala ng Southern Police District (SPD), nakilala ang biktima na si Kim Aquino, 6, residente ng Samama Road, Brgy. Napindan, ng naturang lungsod na tinamaan sa dibdib.

Isang alyas Boy Pagka­li­nawan naman ang itinuturong namaril dakong alas-10 ng umaga ngunit bigo na ma­aresto ng pulisya ng Taguig.  Isinugod sa Rizal Medical Center sa Pasig City ang bata ngunit hindi na umabot ng buhay­.

Hindi naman makapag­ bigay ng detalye si Taguig Police chief, Sr. Supt. Arthur Asis at sa halip ay sinabi nitong ipi­nauubaya na niya ang pagsisiyasat sa kaso sa Women and Children’s Pro­ tection Desk (WCPD). 

Sa pahayag naman ni PO1 Arlene Monaya ng Police Community Precinct ng Na­pindan Road, tinamaan lamang umano ng ligaw na bala ang bata nang mamaril ang suspect na si Pagkalinawan na hindi naman nadakip ng mga pulis.

vuukle comment

ARLENE MONAYA

ARTHUR ASIS

BOY PAGKA

KIM AQUINO

PASIG CITY

POLICE COMMUNITY PRECINCT

RIZAL MEDICAL CENTER

SAMAMA ROAD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with