^

Metro

Dalagita dinukot, ginahasa, ginulpi pa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Na-trauma ngayon ang isang 17-anyos na dalagita nang dukutin, gahasain  at gulpihin ng tatlong kalalakihan na naka-bonnet kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Base sa sumbong ng biktima na itinago sa pangalang Marisol, taga-Quintos St.,  Brgy. San Jose ng naturang lungsod naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling-araw habang naglalakad siya sa kahabaan ng  Quintos St., Brgy.  San Jose habang pauwi na siya sa kanilang bahay  nang  tigilan   ng isang kulay  puting van na hindi na nakuha ang plaka at dito  bumaba ang  tatlong kalalakihan  na naka-bonnet.

Dinukot at sapilitang isinakay ang biktima sa van kung saan isa mga suspect ang sumuntok sa kanya sa sikmura na naging dahilan upang mawalan ito ng malay.

Nang magising ang biktima ay hubo’t hubad na ito sa loob ng hindi pa tukoy na bahay, na doon isinagawa ang panghahalay sa kanya. Nakadampot ng tansan ang biktima at nagawang ma­ikayod sa braso ng isa sa mga suspect,   na naging dahilan upang masugatan ito.

Dahil sa ginawa ng biktima ay sunud-sunod na sampal at suntok ang inabot nito at nang makakuha ito ng tiyempo ay naglakas-loob itong tumakas hanggang sa humingi ng tulong at ireklamo sa pulisya ang sinapit nito.

vuukle comment

BRGY

DAHIL

DINUKOT

MARISOL

NAKADAMPOT

NAVOTAS CITY

QUINTOS ST.

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with