^

Metro

Sekyu dinedo sa tinatanurang gusali

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuan na lamang walang buhay at tadtad ng  saksak ng icepick at kutsilyo sa mukha at katawan ang isang security guard habang ito ay nakaupo sa kanyang tinatanurang gusali sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Rodrigo Tadiarca, 61, security guard ng Evergreen Security Service Corporation na nagtamo ng anim na tama ng saksak sa mukha, leeg at balikat, bukod pa ang hampas ng matigas na bagay sa kanyang ulo.

Ganap na alas-4:30 ng madaling-araw nang matagpuan ng kanyang kasamahan ang biktima habang duguang nakaupo sa kanyang binabantayang abandonadong gusali sa may 16 Quezon Avenue­ cor. D. Tuazon, Brgy. Doña Josefa sa lungsod.

Bago ito,  tatlong outpost na nasa paligid ng gusali ang pinagpapalit-palitan ng biktima at dalawa pa nitong kasamahan para bantayan kada isang oras.

Kaya nang sumapit ang oras para magpalitan ang biktima at kasamahang si Rodel Bingayen-Abeg ay nagulat na lamang ang huli nang makita itong  tadtad ng saksak.

Agad na ipinagbigay alam ni Bingayen sa isa pang kasamahan ang insidente at pinagtulungang dalhin ang biktima sa United Doctors Memorial Medical Center, subalit idineklara itong dead- on-arrival.

Nabatid pa na  may naka­pagsabi umano sa mga ka­samahan sa trabaho ng biktima, na  bago nangyari ang insidente, dalawang kabataan ang nakitang aali-aligid dito.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng awto­ridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BIKTIMA

BINGAYEN

BRGY

EVERGREEN SECURITY SERVICE CORPORATION

QUEZON AVENUE

RODEL BINGAYEN-ABEG

RODRIGO TADIARCA

UNITED DOCTORS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with