^

Metro

Trader todas sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang  isang negosyante ng riding in tandem kamakalawa ng gabi sa isang palengke sa Valenzuela City.

Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa likod  ang biktimang si Danilo Diaz, ng Kabesang Emo, Brgy.  Balangkas ng naturang  lungsod.

Nagsasagawa naman ng  follow up operation ang Valenzuela City Police upang matukoy ang mga salarin.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, na­ganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa Polo Public Market, Barangay Polo ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na pumasok ang biktima sa naturang palengke at ang mga suspect na magkaangkas sa isang motorsiklo ay bumaba at sinundan ang biktima.

Ilang saglit pa ay pinagbabaril nila ang biktima kung saan dali-daling nagsitakas ang mga suspect sakay ng motor­siklong hindi naplakahan.

Masusi pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng insidente at kung sino ang mga suspect. 

 

vuukle comment

BALANGKAS

BARANGAY POLO

DANILO DIAZ

KABESANG EMO

POLO PUBLIC MARKET

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with