^

Metro

Police asset itinumba ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang umano’y police asset habang isang babae rin ang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala buhat sa pamamaril ng riding-in-tandem suspect sa una sa Payatas Road, lungsod Quezon.

Si Roel Toraba, ay namatay noon din at du­guang humandusay ka­sama ng kanyang motor­siklo, ayon kay SPO2 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso.

Ginagamot naman sa ospital si Cherry Lantaca, 37, matapos na tamaan ng ligaw na bala sa kanyang kanang balakang.

Ayon kay Hernandez, ang mga suspect na kapwa­ nakasuot ng helmet ay mabilis na tumakas sakay ng kanilang motorsiklo makaraang tambangan ang biktima.

Nangyari ang insidente sa may Payatas Road, corner Maginoo St., malapit sa Payatas Elementary School, Brgy. Payatas, ganap­ na alas-10:25 ng gabi.

Ayon sa barangay tanod na si Rogelio Valiente, nagpapatrulya sila nang makatanggap  ng tawag na may naganap na pamamaril sa nasabing lugar.

Agad nilang pinuntahan ang lugar, kung saan na­abutan na lang nila si Toraba habang duguang nakahandusay sa kalye katabi­ ng kanyang motorsiklo.  

Sabi ni Hernandez, base sa panayam nila kay Lantaca na naka-confine sa ospital, naglalakad umano ito sa Payatas Road nang marinig ang sunud-sunod na putok ng baril sa na­sabing lugar.

Ilang sandali pa ay nakita niyang may lumabas na dugo mula sa kanyang kanang balakang.

Ayon pa kay Hernandez, ang nasawi umano ay dating nagbibigay impormasyon sa pulisya hinggil sa mga nagtutulak ng iligal na droga.

Dahil dito, pinalalagay ng opisyal na posibleng maraming nakabanggang tao na may kinalaman sa iligal na droga ang biktima kung kaya ito pinaslang.

Gayunman, nagsasagawa pa rin umano sila ng malalimang imbestigas­yon kaugnay sa nasabing insidente­.

 

vuukle comment

AYON

CHERRY LANTACA

HERNANDEZ

JOGENE HERNANDEZ

MAGINOO ST.

PAYATAS ELEMENTARY SCHOOL

PAYATAS ROAD

ROGELIO VALIENTE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with