^

Metro

Mister itinumba sa loob ng bahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi naging ligtas para sa isang 58-anyos na lalaki ang loob ng kanyang sa­­­ riling bahay makaraang pa­sukin ng mga hindi na­kila­lang salarin­ at pagbaba­rilin habang natutulog, kaha­pon ng mada­ling-araw sa Muntinlupa City.

Agad na nasawi dahil sa tinamong mga tama ng bala ang biktimang nakilalang si Joel Efren Villarmino, walang trabaho at nakatira sa Carmina Compound, Brgy. Cupang, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Muntinlupa City Police, naganap ang in­si­dente dakong alas-5:45 ng madaling-araw sa loob mismo ng bahay ng biktima. Mahimbing pang natutulog ang biktima nang pasukin ng mga salarin at pagbabarilin.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspect bitbit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril na ginamit nito.   Isinugod pa sa Alabang Me­dical Clinic ng kanyang mga kaanak ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng matinding tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

Wala namang nais na lumantad sa mga kapitbahay upang maging saksi dahil sa takot na sila naman ang gantihan ng mga salarin na nasa likod ng pamamaslang.

 

vuukle comment

ALABANG ME

BRGY

CARMINA COMPOUND

CUPANG

INAALAM

JOEL EFREN VILLARMINO

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with