^

Metro

Kelot patay sa 2 sagasa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang  isang 26-anyos na  lalaki nang masagasaan habang tumatawid sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktimang si Eduardo Seredrica, ng Mandaluyong City ay agad na nasawi matapos dalawang beses masagasaan ng kotse at truck dakong ala- 1:00 ng madaling araw, habang tumatawid  patungong Baywalk, ayon sa ulat ni PO3 Marco Saunar.

“Ang nangyari parang nasagi siya ng kotse pagkatapos pumailalim pa ng madaanan pa ng truck, nagulungan yong ulo niya, may tama rin sa  balikat,” ani  Saunar.

Kapwa naman pinipigil sa Manila Traffic Parking Bureau ang driver ng kotse  na si Patrick Sherwin Cabansag, 21, at Ronald Purol, 26, ang driver ng truck  na nakaararo pa sa biktima.

Depensa ni Purol, ang kotse ang unang nakabangga kaya sumabit sa kaniyang truck at nasagasaan subalit itinanggi naman ni Cabansag na siya ang nakabangga.

Nalaman na isang motorista ang nagmagandang loob na harangin ang dalawang driver at saka tumawag sa pulis kaya hindi sila nakatakas.

Isinasailalim na sa ma­susing pagsusuri ang mga sasakyan upang matukoy kung alin ang unang nakabangga.

vuukle comment

BAYWALK

EDUARDO SEREDRICA

MANDALUYONG CITY

MANILA TRAFFIC PARKING BUREAU

MARCO SAUNAR

PATRICK SHERWIN CABANSAG

RONALD PUROL

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with