^

Metro

Tsinoy nilooban na, pinatay pa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Filipino-Chinese na lalaki ang nasawi matapos na barilin ng isa sa pitong armadong kalalakihang nanloob sa kanilang tahanan sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Edward Choy, 57, na nagtamo ng isang tama ng bala sa mukha at nasawi matapos isugod sa St. Luke’s Medical Center.

Ang mga suspect naman na nanloob sa bahay ng biktima ay mabilis na tumakas sakay ng isang owner type jeep at motorsiklo na hindi naplakahan.

Ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, imbestigador sa kaso, nangyari ang insidente sa mismong bahay ng pamilya Choy na ma­­tatagpuan sa Doña Hemady St., Brgy. Ma­riana, ganap na alas-6:20 ng umaga.

Sabi ni Ema, asawa ng biktima, nasa kusina siya ng kanilang bahay nang ma­rinig niya na nakikipagtalo sa labas ang kanyang asawang si Edward.

Sinasabing nang oras na iyon, si Edward, tutor, ay naglilinis sa kanilang compound nang duma­ ting ang mga suspect na armado ng matataas na kalibre ng baril at pilit na pumapasok sa loob.

Dahil sa narinig na pag­tatalo, nagpasya si Ema na puntahan ang asawa, pero pagsapit sa pintuan ay bigla umanong tinutukan siya ng iba pang suspect at pinadapa sa sahig.

Narinig naman umano ng kanyang mga anak at mga katulong ang ingay at lumabas din ng kanilang kuwarto pero maging sila ay tinutukan ng baril ng mga suspect at pinadapa.

Matapos nito ay saka sinimulan ng mga suspect ang paghahalughog sa mga kuwarto ng mga biktima.

Habang naghahalug­hog umano ang mga sus­­ pect, patuloy sa pagsa­sa­lita at pag-iingay si Ed­­­ward dahilan para umano ma­irita ang isa sa mga suspect at barilin siya nito sa mukha.

Matapos ang krimen ay agad na sumibat ang mga suspect sakay ng isang owner-type jeep, at motorsiklo bitbit ang limang cellular phones, at cash na P1,500 mula sa pamilya. 

 

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

EDWARD CHOY

EMA

HEMADY ST.

ISANG FILIPINO-CHINESE

MATAPOS

MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with