^

Metro

Ice dealer, barker patay sa pamamaril

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ice dealer at barker ang namatay matapos na pag­­­ babarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspect sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.

Dead on the spot ang  biktimang si Ronnie Estiller, 46 na binaril ng mga hindi pa nakikilalang suspect sa harap ng  kanyang 14 anyos na anak  sa loob mismo ng kanilang  tindahan sa Commonwealth Market, Barangay Commonwealth, ganap na alas-8:20 ng umaga.

Ayon kay PO2 George Caculba, ang biktima ay nagtamo ng anim na tama ng bala sa kanyang katawan na agad na ikinamatay nito.

Sinabi ng  anak ng biktima na si Denmark, isa umano sa mga suspect ang kumuha sa kalibre .45 baril ng kanyang tatay na siyang ginamit na pamamaril dito.

Dagdag pa nito, isa pa sa kasamahan ng suspect ay may dalang kalibre .45 baril na ipinutok din sa kanyang tatay.

Nangyari ang insidente, habang ang mag-ama ay nasa kanilang ice stall kung saan nakasukbit ang baril sa bewang si Ronnie.

Samantala, butas naman  ang bungo ni Arnold Magallanes, 35, ng Coca-Cola St., Agape Camarin Caloocan City nang barilin ng hindi pa tukoy na suspect habang ang una ay nakatayo sa harap ng isang convenience store sa lungsod Quezon.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo ng QCPD-CIDU, nangyari ang insidente sa may harap ng convenient store na matatagpuan sa kahabaan ng General Luis St., Brgy. Nova Proper, ganap na ala-1:30 ng hapon.

Sa pahayag ng isang testigo, nakaupo siya sa labas ng convenience store nang mapansin niya ang biktima  na naghihintay ng jeep.

Bigla namang lumitaw ang suspect at nilapitan ang biktima saka binaril sa ulo. Agad na bumuwal sa kalye ang biktima at nasawi, habang ang suspect naman ay tumakas patungo sa Gen. Luis St.

Sa pagsisiyasat, narekober sa lugar ang isang basyo ng kalibre .45 baril na ginamit ng suspect sa pagpaslang sa biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang mga motibo ng pamamaslang sa dalawang  insidente.

vuukle comment

AGAPE CAMARIN CALOOCAN CITY

ARNOLD MAGALLANES

AYON

BARANGAY COMMONWEALTH

COCA-COLA ST.

COMMONWEALTH MARKET

ERIC LAZO

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with