^

Metro

QC cop patay sa riding in tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang tauhan ng Quezon City police makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Central Bicutan, Taguig,  kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Arthur Asis ang biktima na si SPO1 Mohammad Sugod, 45, na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril  sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect lulan ng hindi naplakahang motorsiklo.

Base sa inisyal na imbestigasyon, si Sugod na tubong Saranggau, South Cotabato, ay kararating lamang sa kanyang bahay sa Pisado St. , Purok 3 sa Brgy. Central Bicutan dakong alas-7:25 ng gabi  lulan ng kanyang motorsiklo (SJ-1990) nang biglang sumulpot ang magkaangkas na suspect.

Nabatid pa ng pulisya na nakipag-usap pa umano ang pulis sa dalawang suspect bago ito tuluyang pi­nagbabaril.

Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa nasabing pa­mamaslang sa biktima. Patuloy pa ang isinasagawang im­bes­tigasyon sa insidente.

vuukle comment

ARTHUR ASIS

BRGY

CENTRAL BICUTAN

KINILALA

MOHAMMAD SUGOD

PISADO ST.

QUEZON CITY

SENIOR SUPT

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with