^

Metro

Kelot patay sa heat stroke sa loob ng bus

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihinalang heat stroke ang dahilan ng pagkamatay ng isang lalaki habang nakasakay ito sa isang pampasaherong bus kamakalawa sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Leonor Tabacu, 50, ng San Antonio, Nueva Ecija.

Base sa pahayag ni Jeho Balabagan, 19, konduktor ng bus, naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng hapon.

Nabatid, na nakasakay si Tabacu sa bus na kanilang pinapasada at pagsapit nila sa pagitan ng R. Papa St. at 2nd Avenue, Caloocan City ay bigla itong nawalan ng malay  kaya’t kaagad nilang isinugod si Tabacu sa naturang ospital, subalit hindi na ito nakarating pang buhay.

Isa sa mga teyorya ng pulisya, hinihinalang tinamaan ng heat stroke si Tabacu na posibleng dahilan ng kamata­yan nito. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

HINIHINALANG

ISA

JEHO BALABAGAN

LEONOR TABACU

NUEVA ECIJA

PAPA ST.

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

SAN ANTONIO

TABACU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with