^

Metro

Kelot tinarakan ng pinsan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatangol sa kanyang tatay, isang binata ang sinaksak ng kanyang pinsan kahapon ng ma­da­ling-araw sa Caloocan City.

Nasa kritikal na kondis­yon at inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa leeg ang biktimang si Franklin Felices, 28,  ng Man­­sanas St., Bagong Barrio­ ng naturang lungsod.      

Nakakulong naman sa Caloocan City Police ang suspect na si  Ernesto Fernandez, 32,  ng  nasa­bing lugar.      

Ayon sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, na­ganap ang insidente dakong alas-2:35 ng mada­ling-araw sa Mascardo St., Bagong Barrio ng naturang siyudad.

Nabatid na nagsuntukan ang tatay ng biktima na si Ernesto at ang suspect. Dito ay pinagtanggol ng biktima ang ama na ikinagalit naman ng suspect na pinsan at siya ang inundayan ng saksak sa katawan.

Dali-daling isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital at ang suspect naman ay nadakip ng mga awtoridad.

vuukle comment

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

ERNESTO FERNANDEZ

FRANKLIN FELICES

MASCARDO ST.

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with