^

Metro

Nang-agaw ng baril rape suspect tumba sa pulis

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang la­laking suspek sa tangkang panggagahasa  sa isang dalagita nang mabaril ito ng  pulis matapos umanong mang-agaw ng baril sa loob ng mobile patrol, kahapon ng madaling-araw sa Ma­labon City.

Dead-on-arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang suspek na si Michael Guevarra, alyas “Zenki”, 35, at residente ng Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng kalibre .9mm sa dibdib, likod at ulo.

Sumuko naman kay Malabon City Police Chief Sr. Supt. Ferdinand Ampil sina SPO1 Jerome Peralta at PO3 Michael Angelo Solomon, kapwa nakatalaga sa PCP 4 ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, naga­nap ang insidente dakong alas-12:50 ng madaling-araw habang pabalik na ng presinto ang isang barangay mobile patrol na minamaneho ng tanod na si Joebert Mateo at sakay  sina SPO1 Peralta, PO3 Solomon at ang suspek dahil pinamedikal ito.

Pagsapit sa C-4 Bridge ng nasabing lungsod ay bigla na lamang umanong inagaw ni Guevarra ang baril ni PO3 Solomon dahilan upang magpambuno ang mga ito hanggang sa pumutok ang baril ng dalawang beses na tumama sa bubong­ ng barangay mobile­ patrol.

Dito, binunot ni SPO1 Peralta ang kanyang baril at sunud-sunod na pinutukan si Guevarra dahilan upang agad na dinala sa nasabing pagamutan ang  suspek, subalit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Nabatid na bago ang insidente, unang lumapit at humingi ng tulong kina SPO1 Peralta at PO3 Solomon ang biktimang itinago sa pangalang Joy, 16-anyos na umano’y pi­nagtangkaang gahasain ni Guevarra at ng mga kasama nito.

vuukle comment

FERDINAND AMPIL

GUEVARRA

JEROME PERALTA

JOEBERT MATEO

MALABON CITY POLICE CHIEF SR. SUPT

MICHAEL ANGELO SOLOMON

MICHAEL GUEVARRA

PAGAMUTANG BAYAN

PERALTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with