^

Metro

Biktima ng ligaw na bala inilibing na: Goodbye Nicole!

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihatid na sa kanyang huling hantungan sa Sanctuario de Paz Cemetery sa Norzagaray, Bulacan si Stephanie Nicole Ella, ang pitong  taong gulang na batang nasawi sa ligaw na bala na  noong kasagsagan sa pagsalubong ng  Bagong Taon.

Nabatid na alas-10:30 na ng umaga nang dalhin ang mga labi ni Nicole  buhat  sa The Lord’s Flock Sanctuary Church patungo sa kanyang libingan sa Sanctuario De Paz Cemetery sa Norzagaray sa Bulacan.   

Bago tabunan  ng lupa ang kabaong ni Nicole ay napuno ng luha ang huling sulyap ng pamilya, mga kaanak, mga kaibigan at mga nakiramay sa pamilya Ella.

Hanggang sa huling sandali ng libing ni Nicole ay hustisya ang isinisigaw ng mga ito.

Nagpapasalamat naman ang pamilya ni Nicole partikular ang kanyang mga magulang sa lahat ng taong tumutulong upang malutas ang kaso ng kanilang anak, nagbigay ng tulong at nagdasal para sa kanilang pamilya.

“Salamat po sa media na tumulong sa amin upang ipa­rating ang aming hinaing sa kinauukulan. Salamat sa mga nagbigay suporta at nagdasal para sa amin” ayon sa ama ni Nicole na si Jay.

Idinagdag pa nito na kuntento sila sa ngayon sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang  malutas ang kaso ng kanilang anak, gayunpaman ay ikinagulat nito ang pagkakaaresto ng kanilang kapitbahay na si Grene “George” Da na umanoy malapit din ang loob sa kanilang pamilya.

Tanggap na ng bunsong kapatid ni Nicole na si Ken-Ken ang pagkamatay ng kanyang ate, ayon sa ama ng mga bata.

Noong una umano ay ayaw tingnan ni Ken-Ken at iniiwasan nito na masulyapan ang kabaong ng kanyang ate at madalas na umiiyak dahil sa trauma.

Ayon sa ama, nitong mga huling araw ay bumabalik na ang sigla ni Ken-Ken nang makatanggap ito ng laruang regalo mula sa isang nakiramay sa burol ng kanyang ate Nicole.

vuukle comment

BAGONG TAON

BULACAN

FLOCK SANCTUARY CHURCH

KEN-KEN

NICOLE

NORZAGARAY

PAZ CEMETERY

SANCTUARIO DE PAZ CEMETERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with