^

Metro

3-anyos todas, lolo sugatan sa pamamaril

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 3-an­yos na batang lalaki ma­tapos na tamaan ng ligaw na bala nang paputukan ang kanyang lolo na suga­tan sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang   suspect  kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila.

Alas-7 na ng umaga  ka­hapon nang matuklasan ng pamilya ni Sidfred Be­ ring ng Block 1 Aplaya, Baseco Compound, Port Area ang kanyang  sinapit mula sa pamamaril ng  na­katakas na suspect.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Benitez ng MPD homicide, alas-9:30 ng gabi noong Sabado naganap ang pamamaril ng suspect sa lolo ng bata na si Dominador Besco, 46.

Natutulog ang maglolo nang biglang dumating ang suspect at pagbaba­rilin si Besco.

Bagaman sugatan, na­ gawang makatakbo at ma­kapagtago ni Besco na sinabayan na rin ng pagtakas ng suspect.

Agad na dinala ng kanyang kaanak sa Orthopedic Hospital si Besco habang naiwan naman sa bahay ang paslit.

Kahapon na ng umaga  nadiskubreng bangkay na si Bering nang hindi na ito  humihinga at napansing puno ng dugo ang unan ng biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa noo.

vuukle comment

APLAYA

BASECO COMPOUND

BESCO

DOMINADOR BESCO

ORTHOPEDIC HOSPITAL

PORT AREA

RODEL BENITEZ

SHY

SIDFRED BE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with