^

Metro

Ipapasok sa Pasay City Jail: Shabu sa ari: Ginang arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bistado ang isang 42-anyos na ginang sa tangkang pagpupuslit ng shabu sa loob ng Pasay City Jail makaraang makapkap ng bantay na babaeng jail guard ang iligal na droga na ipinasok sa loob ng ari nito nang tangkaing dumalaw sa kaanak, kahapon ng tanghali.

Agad na inaresto at dinala sa katabing Pasay City Police-Criminal Investigation and Detective Management Section ang suspek na si Rena Ariola, residente ng  P. Gomez St., Pamplona, Las Piñas City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong ala-1:47 ng hapon nang tangkain ni Ariola na pumasok sa Pasay City Jail upang dalawin ang bilanggong si Hero Abdulah, nahaharap sa kasong pagtutulak ng iligal na droga.

Tulad ng dati ay pinapirma si Ariola sa waiver nina JO2 Edna Iglesia, JO1 Lawela Pinera at JO1 Melanie Doble para makapkapan ang buong katawan.  Napuna na umano ng mga babaing jail guard ang pamumutla at matinding kaba ni Ariola habang masusi siyang kinakapkapan kaya’t iniutos sa kanya na ibaba ng hanggang tuhod ang suot niyang pants at panty.

Nang kapkapan ang kanyang maselang parte ng katawan, dito na nadiskubre ang maliit na plastic sachet na binalot ng masking tape na bahagyang isinuksok sa loob ng ari ng suspek.   Sinabi ni Ariola na inutusan lamang siya ng asawa ni Abdulah na isang alyas Isaya na ipuslit papasok ang shabu kapalit ng P500 na ibinayad sa kanya.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), kaya mahigpit ang kanilang inspeksyon sa mga dalaw ng mga bilanggo ma­ging sa kababaihan ay dahil sa naturang mga insidente na nagpapasok ng iligal na droga o kaya ay armas sa kanilang mga bibisitahin.

vuukle comment

ARIOLA

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

EDNA IGLESIA

GOMEZ ST.

HERO ABDULAH

LAS PI

LAWELA PINERA

MELANIE DOBLE

PASAY CITY JAIL

PASAY CITY POLICE-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with