^

Metro

On-the-spot promotion sa mga pulis na nakaaresto sa pumatay sa magpinsan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director General Leonardo Espina na magkakaroon ng spot promotion ang mga pulis na nakaaresto sa salarin na pumatay sa magpinsang menor-de-edad sa Caloocan City.

Ang paniniyak ay ginawa ni Espina ma­tapos na iharap sa media­ ang suspect na si Gilbert Fulloso alyas “Berto”, 25, at residente ng Padas Alley­, Bgy. 12 ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Espina, na nararapat lamang na mabigyan ng spot promotion ang mga pulis na nakaaresto sa suspect nang sa gayon ay maging halimbawa ito sa iba pang tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang higit na pagbutihan ng mga ito  ang kanilang trabaho.

Kabilang sa mga posibleng mabigyan ng spot promotion sina Chief Insp. Rodrigo Soriano, Sr. Insp. Enrique Torres, SPO4 Arnold Gonzales at SPO3 Joemar Ronquillo, pawang nakatalaga sa Caloocan City Police.

Kasama rin sa mabibigyan ng promotion ay sina PO1 Mark Angelo Encisa, SPO2 Godofredo Encisa at PO3 Alfredo Lauriano Natividad, pawang mga intelligence officer ng Polangui, Albay.

Base sa record ng pulisya, si Fulloso ang itinuturong suspect sa pagpatay sa mag­pinsan na sina Diana Rose Liza, 15; at Joanna­ Marie Conrado, 10.

Napag-alaman pa na si Liza ay nagtamo ng 59 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang ang pinsan nitong si Conrado ay nagkaroon naman ng 23 saksak sa katawan na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng mga ito.

 

vuukle comment

ALFREDO LAURIANO NATIVIDAD

ARNOLD GONZALES

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHIEF INSP

DIANA ROSE LIZA

ENRIQUE TORRES

ESPINA

GENERAL LEONARDO ESPINA

GILBERT FULLOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with