^

Metro

Kelot itinumba sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sabog ang ulo ng isang hindi nakikilalang lalaki makaraang pagbabarilin at ma­patay ng dalawang suspect na armado ng kalibre 9mm na baril sa lungsod Quezon kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, ang biktima na walang pagka­kakilanlan ay isinalarawan sa pagitan ng edad 25-30, walang saplot pang-itaas, nakasuot ng short pants, at nakatsinelas.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Salvia St., St. Dominic 12, Brgy. Kaligayahan, ganap na alas-9:20 ng gabi.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) narekober sa lugar ang dalawang basyo ng kalibre 9mm.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at sugat sa kaliwang mata. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

KALIGAYAHAN

PATULOY

QUEZON

QUEZON CITY POLICE

SALVIA ST.

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

ST. DOMINIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with