^

Metro

Salvage victim, ikinahon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na umano’y miyembro ng Batang City Jail (BCJ) ang hinihinalang isinalvage at saka isinilid sa isang kahon at itinapon sa  Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Tumambad lamang umano ang bangkay nang kalkalin ng isang namumulot ng basura ang kahon na inakalang may mapapakinabangan sa loob dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa ilalim ng Jones Bridge sakop ng Binondo.

Ayon sa ulat, nakabalot ng packaging tape ang  buong mukha, nakagapos ang mga paa at kamay sa leeg ng biktimang inilarawan sa edad na 34-40, may taas na  5’5’’, kayumanggi ang kulay, katamtaman ang pangangatawan, semi-kalbo, nakasuot ng itim na sando at itim na shorts, at tadtad ng tattoo sa buong katawan  kabilang ang tatak na “BCJ”.

May nakapagsabi din sa imbestigador na alyas”Totoy” umano ang biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay tadtad ng saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. Kilala umano ang biktima na isang notoryus na holdaper at snatcher sa area ng Binondo.

 

vuukle comment

AYON

BATANG CITY JAIL

BINONDO

ISANG

JONES BRIDGE

KILALA

MAYNILA

TOTOY

TUMAMBAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with