^

Metro

Cop killer arestado

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Makaraan ang anim na taong pagtatago, na­aresto na rin ng Pasay City Police kamakalawa ng gabi ang itinuturong bumaril at nakapatay sa isang pulis nang bumalik ito sa kanyang dating tirahan sa pag-aakalang malamig na sa kanya ang alagad ng batas.

Nakilala ang nada­kip na si Allan Pagsu­yuin, 35, pedicab driver at naninirahan sa Bo. Ba­yanihan, ng naturang lungsod.

Nabatid sa rekord ng pulisya na kabilang sa Top 10 most wanted sa Pasay City si Pagsu­yuin makaraang ituro na siyang nakabaril at na­kapatay sa isang PO2 Ala­­bado, miyembro ng Pasay Police noong 2006.

Sa ulat ng Pasay police, isang impormante na nakakaalam sa kaso ang lumapit sa kanila at ipinagbigay-alam ang pagbalik sa kanilang lugar ng suspek na si Pagsuyuin.

Agad namang kumi­los ang mga pulis at ina­resto ang suspek dakong alas-10:30 ng gabi sa bisa ng warrant of arrest sa kasong “robbery with homicide” na inilabas ng Pasay Regional Trial Court branch 116.

Nakaditine ngayon si Pagsuyuin sa Pasay de­tention cell upang ha­rapin ang krimen na ibi­nabato sa kanya ukol sa pagkamatay ng nabanggit na pulis.

vuukle comment

ALLAN PAGSU

MAKARAAN

NABATID

PAGSUYUIN

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE

PASAY REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with