^

Metro

2 biktima ng 'salvage', natagpuan

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki na sinasabing biktima ng summary execution ang natagpuan sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang dalawa na inaalam pa ang pagkakakilanlan ay kapwa may tama ng bala ng baril sa ulo at katawan. Ang unang bangkay ng lalaki  na may dalawang tama ng bala ng baril, nakagapos ng alambre ay natagpuan bandang alas-2 ng madaling-araw sa bangketa ng Samonte St. sa Brgy. Nagkaisang Nayon. Narekobrer sa crime scene ang mga basyo ng  M-16 Arma­lite rifle. Ang ikalawang bangkay naman ay nadiskubre dakong alas-3 ng madaling-araw sa bangketa rin sa Brgy. Kaunlaran na tinatayang 40 hanggang 45-anyos na may  malalim na sugat sa ulo habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

ARMA

AYON

BRGY

DALAWANG

KAUNLARAN

NAGKAISANG NAYON

NAREKOBRER

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SAMONTE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with