^

Metro

3 pekeng pulis nangholdap sa birthday party

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Nabulabog ang masayang birthday party ng isang pamilya sa lungsod Quezon ma­tapos na mag-gate crash ang tatlong armadong kalalakihang nagkunwaring mga pulis at holdapin ang may-ari ng bahay at ilang bisita nito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police Station­ 9, natangayan ng mga mamahaling gamit at pera na tinatayang aabot sa P100,000 ang mga biktimang sina Arlene Tamayo, 42; Estrella­ Go, 40; Emerencia Tamayo, 50; Abet Castro, 50; at Emelia Cruz; 62; pawang mga residente sa naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Ramos, nangyari ang insidente sa isang bahay sa K-8th St., Brgy. West Kamias, ganap na alas-3:30 ng hapon.

Diumano, masayang nagpa-party ang mga biktima sa birthday ng anak ni Arlene Tamayo, nang biglang sumulpot ang mga suspect na armado ng baril at nagkun­waring mga pulis.

Dito ay hinahanap umano ng mga suspect ang alyas Marlyn na umano’y illegal recruiter, bago pinagtutukan ng baril ang mga biktima at nilimas ang mga gamit at pera ng mga ito.

Nang makuha ang pakay ay saka nagsipagtakas ang mga suspect, patungo sa K-8th St., Brgy. Kamias.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ABET CASTRO

ARLENE TAMAYO

AYON

BRGY

EMELIA CRUZ

EMERENCIA TAMAYO

QUEZON CITY POLICE STATION

RODOLFO RAMOS

WEST KAMIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with