^

Metro

Holdaper patay sa shootout, 1 pa timbog

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang holdaper na umano’y miyembro ng “Estribo Gang” habang arestado naman ang isa pa matapos hol­dapin ng mga ito ang isang pampasaherong bus sa kahabaan ng EDSA,Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawing suspek na si Jeffrey Bata na namatay noon din dulot ng mga tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Agad ding naaresto ang isa pang suspek na si Elmer Sahagun, 27, ng Maunlad, St., Brgy. Pinyahan, Quezon City at nakatakas naman ang dalawang iba pang kasamahan ng mga ito na ngayo’y patuloy na pinaghahanap ng pulisya.

Naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng mada­ling-araw kahapon sa kahabaan ng EDSA kanto ng Nia Road, Brgy. Pinyahan.

Nabatid na bumibiyahe ang CHER bus (TYS-739) patungong Monumento nang magdeklara ng holdap ang mga suspek sa naturang lugar. Agad tinutukan ng kalibre .45 na baril ng mga suspek ang mga pasahero ng bus at saka nilimas ang mga gamit, pera at cellphone ng mga ito.

Namataan naman ng mga nagpapatrulyang tauhan ng QCPD Station 10 Kamuning ang komosyon sa loob ng naturang bus kung kaya’t tinangkang sitahin ang mga ito subalit nagpaputok ng baril ang mga suspek at dito na nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng isa sa mga suspek.

Narekober mula sa na­­dakip na suspek ang isang .45 kalibre ng baril na umano’y ginamit sa pangho­holdap.

vuukle comment

BRGY

ELMER SAHAGUN

ESTRIBO GANG

JEFFREY BATA

KAMUNING

NIA ROAD

PINYAHAN

QUEZON CITY

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with