^

3 bata utas sa kuryente

- Ni Mer Layson () - May 30, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Utas ang tatlong bata na naligo at nagtampisaw sa ulan makaraang makur­yente nang mahawakan nila ang isang tubo ng sampayan sa Mandaluyong City kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni Mandaluyong City Police Chief, Sr. Supt. Armando Bolalin, ang mga biktima na sina Mark Angelo­ Sastelo, 8; Luning­ning Rosas, 14; at Raul Leyva Jr., 9, na pawang re­si­dente ng Nanirahan St., Mandaluyong City.

Sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap dakong alas-11:30 ng tanghali sa bakanteng lote na malapit lamang sa tahanan ng mga biktima.

Ayon sa report, naisipang maligo sa ulan ang tatlong bata at habang sila ay masayang nagtatam­pisaw sa tubig-baha nang mapahawak ang isa sa kanila sa isang tubo ng sampayan na may kuryente pala, na siyang dahilan upang ito ay mangisaw.

Sa pagnanais na iligtas ng dalawa ang kanilang kaibigan ay hinawakan nila ito, para sana hatakin pero sila man ay nakuryente.

Nagawa pang ma­isugod si Mark Angelo at Luning­ning sa Sta. Ana Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival­ ni Dr. Corpuz habang si Leyva ay sa Manda­luyong City Me­dical Center nalagutan ng hininga.

ANA HOSPITAL ARMANDO BOLALIN CITY ME DR. CORPUZ MANDALUYONG CITY MANDALUYONG CITY POLICE CHIEF MARK ANGELO NANIRAHAN ST. RAUL LEYVA JR. SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with