^

Metro

Driver inutas sa paradahan ng pedicab

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Napaslang ang 38-anyos na pedicab driver matapos resbakan ng kanyang mga nakaalitan kabilang na isang sundalo ng Philippine Army kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Idineklarang patay sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Artemio Pacunla ng #865 Earnshaw Street sa nasabing lugar.

Arestado naman ng pulisya ang isa sa  mga suspect na si Samuel Simon, 63, tricycle driver, ng 1004 Leyte Street, Sampaloc, Maynila habang pinaghahanap ang isa pang suspect na si Sgt. Richard Natividad ng Philippine Army.

Nabatid sa imbestigasyon ni SPO2 Ronald Gallo, bandang alas 5:38 ng hapon nang magkainitan ang biktima at Simon  sa paradahan ng pedicab ngunit kalaunan ay humupa rin ang pag-aaway.

Hindi inakala ng biktima na umuwi lamang­ si Simon upang tawagin si Natividad at bumalik  na may bitbit na baril.

Pagsapit sa paradahan  ay pinagbabaril ng mga suspect ang biktima sa ulo.

Tiyempo namang nasa lugar si PO2 Julio Yssey Marquez na umiikot sa University Belt area kaya agad na ru­mesponde kung saan itinuro sa kanya ang isa sa suspect  kaya nadakma  si Simon habang nakatakas naman si Sgt. Natividad.

Pinaniniwalaang agawan sa paradahan ng pedicab ang isa sa motibo sa krimen.

vuukle comment

ARTEMIO PACUNLA

EARNSHAW STREET

JULIO YSSEY MARQUEZ

LEYTE STREET

MAYNILA

NATIVIDAD

PHILIPPINE ARMY

RICHARD NATIVIDAD

RONALD GALLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with