^

Metro

14 bahay naabo sa sunog

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines – May kabuuang 14 na bahay ang naabo sa naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection ng Mandaluyong City, nabatid na ang sunog ay nagsimula ganap na alas-6:00 ng gabi sa tahanan ng isang Oscar Malloca sa 124 Magalona St., Brgy. Daang Bakal sa nasabing lungsod.

Tumagal ng mahigit isang oras ang sunog na umabot sa ikatlong alarma bago tuluyang naapula ng mga bumbero dakong alas-7:10 ng gabi.

Sinasabing pawang gawa lamang sa kahoy at dikit-dikit pa ang mga tahanan sa nasabing lugar kaya mabilis ang pagkalat ng apoy.

Wala namang naiulat na nasawi o kaya’y nasaktan sa na­sabing sunog na ngayon ay kasalukuyan pang ini­imbestigahan ng mga arson investigator ang pinagmulan nito.

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAANG BAKAL

MAGALONA ST.

MANDALUYONG CITY

OSCAR MALLOCA

SINASABING

SUNOG

TUMAGAL

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with