^

Metro

'Akyat Bahay', arestado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng ‘Akyat­ Bahay gang’ ang natimbog ng mga barangay tanod habang itinatakas ang ninakaw na vaccum cleaner na kinulimbat sa isang bahay sa lungsod Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Walang nagawa pa si Rodel dela Hostria, 46, nang bitbitin ng mga ba­rangay tanod at dalhin sa himpilan ng pulisya.

Siya ay ipinagharap ng reklamo ng biktimang si Jonathan Santos, 33, re­sidente sa 136 Sct. Rallos St., Brgy. Sacred Heart dahil sa pagnanakaw ng nasabing gamit.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente ganap na alas-3 ng madaling-araw makaraang pasukin ng suspect ang bahay ni Santos sa pama­magitan ng pag-akyat sa gate nito. Habang itina­takas ng suspect ang vaccum cleaner na nagkakahalaga ng P4,000 ay nakita ito ng biktima at hinabol.

Tiyempo namang nag­pa­patrulya ang nasabing mga tanod at hinarang ang suspect at inaresto.

vuukle comment

AKYAT

BRGY

HABANG

HOSTRIA

ISANG

JONATHAN SANTOS

QUEZON

RALLOS ST.

SACRED HEART

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with