^

Metro

Binatilyo binoga sa ulo

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang 15-anyos na high school student makaraang barilin sa ulo ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Payatas, Quezon City ka­­makalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Paul John Dumadara, ng Sto.Tomas St., Brgy. Payatas, QC. Si Dumadara ay kasa­lukuyan inoobserbahan sa East Avenue Medical Cen­ter dahil sa tinamong isang tama ng bala ng cal. .22 sa ulo.

Tumakas naman ang mga suspek na nakilala lamang sa alyas na Abay na nakasuot ng helmet, jacket na itim at maong pants at isang Buboy matapos ang pamamaril. Sila ay ka­sa­luku­yan pinagha­ha­nap ng pulisya.

Ayon kay SPO1 Elden Lasam ng Quezon City Police District Station 6 naga­nap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi kamaka­lawa sa kahabaan ng Mor­ning Star Road, Brgy. Payatas A, Quezon City.

Sinabi sa ulat sakay ng isang tricycle ang biktima kasama ang kaibigan nito nang harangin ng mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Pinakiusapan umano ng biktima ang suspek na tumabi subalit agad umano itong binaril sa ulo.

Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek at iniwan ang duguang biktima na mabilis na naisugod sa ospital.

vuukle comment

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CEN

ELDEN LASAM

PAUL JOHN DUMADARA

PAYATAS

PAYATAS A

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with