^

Metro

22 rescue vans ng MMDA nakaposisyon na sa mga kritikal na lugar

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinosisyon na ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang kanilang mga rescue and emergency vans sa mga kritikal na lugar sa Kamaynilaan bilang bahagi ng pagpapalakas ng kapabilidad sa pangamba na maaaring tumama rin ang lindol sa kalunsuran.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na kumpleto ng mga “high-tech equipments” para sa search and rescue at medikal ang mga container vans na ipinosisyon sa mga lugar na maaaring pinakamatinding tamaan ng lindol sa Pasig, Marikina­, Quezon City, at Maynila.

Bukod dito, sinanay na rin umano ng MMDA ang nasa 18,000 volunteers buhat sa mga komunidad na binubuo ng mga community leaders, at mga homeowners sa Metro Manila sa “disaster awareness and response” upang alam ng mga ito ang gagawin sa oras ng kalamidad.

Una nang inihayag ng ahensya ang pagbuo ng “earthquake bayanihan zones” upang pakilusin ang komunidad sa pagresponde sa kani-kanilang lugar sa oras nang pagtama ng kalamidad upang agad na ma­ging organisado at makasagip agad ng maraming buhay.

Sa pag-aaral noong 2004 ng Japan International Cooperation Agency, MMDA at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), malaki ang posibilidad na tamaan ng malalakas na lindol ang Metro Manila.

Sa naturang pag-aaral na tinawag na Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS), kung tatama ang 7.2 magnitude na lindol, magreresulta umano ito ng agad na pagkasawi ng 34,000 katao; 110,000 sugatan; pagkasira ng 13% istruktura, at pagkawala ng tahanan ng 1.2 milyong katao.

vuukle comment

BUKOD

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

IPINOSISYON

JAPAN INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY

METRO MANILA

METRO MANILA EARTHQUAKE IMPACT REDUCTION STUDY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with