^

Metro

Aktor nag-suicide

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Matinding depression sanhi ng problema sa asawa at sa casino ang sinasabing dahilan ng pagpapakamatay ng aktor na si Tyron Perez matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng kanyang sasakyan kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Kaagad na nasawi si Perez matapos magtamo ng tama ng bala ng kalibre .22 revolver sa kanyang sentido.

 Sa imbestigasyon ni SPO4 Richard Bautista, ng Station Investigation Division (SID) Valenzuela City Police, dakong alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng aktor sa loob ng kulay itim nitong Toyota Altis, na may plakang ZSP-875 habang nakaparada sa panulukan ng C-5 South Service Road at Quegrande St., Barangay Ugong ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon, bukod sa ma­tinding problema ng aktor sa kanyang asawa na si Liv Espino, na isang flight attendant, ay mayroon din umano itong problema sa casino.

Ngunit, sa kabila nito ay nagsasagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon ang pulisya kung may foul play sa naturang insidente.

Nabatid na si Perez ay mula sa talent show ng Star Struck, ng  GMA 7 at lumipat ito sa Star Magic na nasa ilalim naman ng ABS-CBN kung saan lu­mabas pa ito sa episode ng “Maalaala Mo Kaya” noong Disyembre 3.

vuukle comment

BARANGAY UGONG

LIV ESPINO

MO KAYA

PEREZ

QUEGRANDE ST.

RICHARD BAUTISTA

SOUTH SERVICE ROAD

STAR MAGIC

STAR STRUCK

STATION INVESTIGATION DIVISION

TOYOTA ALTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with