^

Metro

Rapist ng mentally-ill na dalaga, timbog

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 46-anyos na mister nang halayin nito ang isang dalagang may dipe­rensiya sa pag-iisip kamaka­lawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang suspect na si Ferdinand Serrano, 46, naka­tira sa Bisig ng Kabataan ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang biktima naman ay itinago sa pangalang Barbara, 37, ng Masagana St., ng naturang siyudad.

Sa report ng pulisya, naganap ang insi­dente dakong alas-10:30 ng gabi sa Primas Motel, na matatagpuan sa kahabaan ng McArthur Highway ng nabanggit na lungsod.

Nabatid, na habang naka­tayo ang biktima malapit sa bahay nito ay lumapit dito ang suspect at yayain ito sa nabanggit na motel.

Dahil may diperensiya sa pag-iisip ang biktima, sumama naman ito sa suspect.

Nang maisagawa na umano ng suspect ang panghahalay sa biktima ay inuwi na nito ang biktima sa bahay.

Ngunit nang tanungin ng mga magulang ang biktima kung saan ito nanggaling, naikuwento nito ang ginawa sa kanya ng suspect.

Mabilis na inireklamo ang suspect sa mga awtoridad na naging dahilan ng pagkakadakip dito.

vuukle comment

ARESTADO

BIKTIMA

BISIG

CALOOCAN CITY

DAHIL

FERDINAND SERRANO

KABATAAN

KINILALA

PRIMAS MOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with