Pagdinig sa kaso ni Michael Ray, tuloy
MANILA, Philippines - Tuloy ang pagdinig sa kaso laban kay dating police Supt. Michael Ray Aquino kaugnay ng Dacer-Corbito double Murder case matapos na ibasura ng Manila Regional Trial Court ang motion for reinvestigation.
Sa ginanap na preliminary conference sa Manila RTC Branch 18, nagkasundo ang prosecution at defense lawyers na iharap sina dating police Supt. Cesar Mancao at Glen Dumlao bilang witness sa pagdinig sa sala ni Judge Thelma Bunyi-Medina.
Sina Aquino, Mancao at Dumlao ay dating mga miyembro ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force, na sinasabing responsable sa pagdukot at pagpatay sa PR man na si Salvador ‘Bubby’ Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong 2000.
Matapos ang 10- taong pamamalagi at pagkakakulong sa Amerika, na-extradite si Aquino pabalik ng Pilipinas noong Hunyo.
Naghain ito ng not guilty plea sa kasong isinampa laban sa kanya. Nabatid na umapela ang mga abogado ni Aquino para sa re-investigation matapos na ipawalang sala ng Court of Appeals si dating PAOCTF head at ngayon ay Sen. Panfilo “Ping” Lacson para sa kasong murder bukod pa sa pagkuwestiyon sa kredibilidad ng testimonia ni Mancao.
- Latest
- Trending