^

Metro

Kuya tinodas ni bunso

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 26-anyos na driver dahil sa pagkakabagok ng ulo matapos na gulpihin ng kanyang nakakabatang kapatid na lalaki kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Naisugod pa sa Las Piñas General Hospital ang biktimang si Domingo Mendezabal ng #340 Baesa Compound, Barangay Zapote subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng matinding pinsala sa ulo.

Naaresto naman ng mga opisyal ng barangay at tauhan ng Police Community Precinct 2 ng Las Piñas PNP ang suspect na si Raymund Mendezabal, 21, nakatira sa Muslim Compound, Tandang Sora, Quezon City.

Sa ulat ng Las Piñas PNP, bumisita ang suspect sa kanyang kuya kung saan nakipag-inuman sa Eden Garden Videoke bar sa Real Street, Brgy. Pulanglupa I, kasama ang ka-live-in ni Domingo na si Jovy Luz, 20.

Sa hindi nabatid na dahilan ay kinompronta ni Domingo ang kinakasamang si Jovy hanggang magpasiya ang dalawa na umuwi na lamang. 

Hindi naman nagustuhan ng suspek ang ugali ng babae kaya itinulak nito at pinagsalitaan pa ng hindi maganda.

Dito nagalit si Domingo sa kanyang utol na nauwi sa pagtatalo kung saan sinapak ng suspek ang kanyang kuya saka sunud-sunod na iniumpog ang ulo sa semento.

Naawat naman ang kaguluhan nang rumesponde ang mga barangay tanod kung saan namatay ang biktima sa ospital.

vuukle comment

BAESA COMPOUND

DOMINGO

DOMINGO MENDEZABAL

EDEN GARDEN VIDEOKE

GENERAL HOSPITAL

JOVY LUZ

LAS PI

MUSLIM COMPOUND

POLICE COMMUNITY PRECINCT

PULANGLUPA I

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with