^

Metro

Sekyu nagbiro sa tulog, dinedo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Minsan pang napatunayan ang kasabihang magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising, matapos na isang security guard ang mabaril at mapatay ng kanyang kabaro na umano’y naalimpungatan makaraang gisingin ng una sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Si Johnny Felipe, 19, security guard sa #24 Matipuno Horseshoe Townhouse sa lungsod ay nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib at agad na binawian ng buhay.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspect na si Aris Perez, 28, at residente sa Pinagbuhatan, Pasig City na nagbabantay naman sa may Mariposa Square compound ilang hakbang sa binabantayang lugar ng biktima.

Nangyari ang insidente sa may panulukan ng Benitez St., kanto ng Horseshoe Drive sa lungsod pasado alas-5:30 ng umaga.

Nabatid na ang biktima at suspect ay matagal nang magkaibigan kung saan madalas din umanong nagbibiruan. Subalit kahapon ng umaga, habang natutulog ang suspect sa kanyang guardhouse sa binabantayan nitong townhouse ay muling biniro ito ng biktima, sa pamamagitan ng pagising ng malakas na katok.

Dahil dito, nagulat at naalimpungatan ang suspect kung saan agad na pinaputukan ng baril sa dibdib ang biktima. Sumuko naman sa awtoridad ang suspect, kung saan iginiit nito na hindi umano niya sinasadya ang pagkakabaril sa biktima dala lamang umano ng pagkabigla sa ginawa nito sa kanya.

vuukle comment

ARIS PEREZ

BENITEZ ST.

DAHIL

MARIPOSA SQUARE

MATIPUNO HORSESHOE TOWNHOUSE

MINSAN

NABATID

NANGYARI

PASIG CITY

SI JOHNNY FELIPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with