^

Metro

2 trader niratrat: 1 patay, 1 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang napatay, habang isa pa ang sugatan ma­karaang pagbaba­rilin ng isang lalaki dahil lamang sa gitgitan sa kalsada habang sa­kay ng kani-kanilang sa­­sakyan sa lungsod Que­­zon, ayon sa pulisya ka­­hapon.

Kinilala ni PO3 Greg Maramag ng CIDU ng Quezon City Police ang nasawi na si Nestor Ba­rientos, 48, ng Calamansi St., Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Ginagamot naman sa FEU Hospital ang kasama nito na si Marvin Escorial, 33, isa ring negosyante, ng   Gen. Ordono St., Marikina Heights, Mari­kina City bunga ng tama sa leeg.

Tumakas naman ang suspect sakay ng isang KIA Pregio na walang plaka matapos ang pa­mamaril.

Ayon kay Maramag, nangyari ang insidente sa may Payatas Road, Payatas B., sa lungsod ganap na alas-8:30 ng gabi.

Bago ito, sakay ng kanilang Nissan Sentra (TJR-601) ang mga biktima na minamaneho ni Augustis Cusay at tinatahak ang nasabing lugar nang gitgitin ang mga ito ng sasakyan ng suspect.

Sinabi ni Cusay, matapos silang gitgitin ng suspect ay agad siyang nag-overtake dito at hinarang, saka bumaba ang mga sakay niyang sina Barientos at Escorial para kausapin ang suspect tungkol sa problema.

Subalit hindi pa na­kakalapit ang mga biktima ay agad na nagbunot ng baril ang suspect at pinaputukan ang mga una, saka mabilis na sumakay sa kanyang van at tumakas.

Nagawa pang maisakay ni Cusay ang mga biktima sa sasak­yan at itinakbo sa Fairview Ge­neral hospital kung saan idineklarang patay si Ba­rientos habang inilipat na­man sa FEU hospital si Escorial. Patuloy ang pag­sisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente.

vuukle comment

AUGUSTIS CUSAY

CALAMANSI ST.

CUSAY

ESCORIAL

FAIRVIEW GE

GREG MARAMAG

MARIKINA HEIGHTS

MARVIN ESCORIAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with