^

Metro

Ex-PBA player kalaboso

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad ang dating PBA player dahil umano sa panununtok nito at pagmumura sa isang miyembro ng Bantay Bayan sa Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw.

Ang suspek na basketbolista ay nakilalang si Alexander “Alex” Crisano 34, half Filipino-Italian Citizen na nakatira sa Clan Heaven 1 California Garden, Mandaluyong. Dinakip si Crisano bunsod ng reklamo ni Bantay Bayan member Mario Bidar, 41, ng Brgy. Malamig ng nasabing lungsod.

Sa reklamo ng biktima, sinuntok umano siya ng suspek na naging dahilan ng pamamaga ng kanyang magkabilang mukha saka minura. Ayon sa biktima, ang pananakit umano sa kanya ng basketbolista ay naganap dakong alas-4 ng madaling-araw sa kahabaan ng Edsa at Boni Avenue, Madaluyong City.

Sinabi ni Bidar, nagmamadali silang nagresponde sa isang KTV bar dahil mayroon umanong isang babae na nawalan ng malay tao. Nagkataon naman nakaharang ang isang ML-taxi (TXZ-836) kung kaya’t agad nilang sinenyasan ang nasabing taxi na pansamantalang tumabi para sila makadaan. Subalit hindi umano umalis ang taxi sa kinalalagyan na minamaneho ni Arnulfo Viray ,56,   kung kaya’t napilitan siyang katukin ito at sa puntong iyon ay bumukas ang pintuan ng taxi at lumabas ang galit na si Crisano na noon ay kasama ang isang babae. Paglabas umano ng basketbolista ay dinuro-duro nito ang biktima at sinabing “You don’t know me I’m Alex Crisano I’m star”.

vuukle comment

ALEX CRISANO I

ARNULFO VIRAY

BANTAY BAYAN

BONI AVENUE

CALIFORNIA GARDEN

CLAN HEAVEN

CRISANO

FILIPINO-ITALIAN CITIZEN

MADALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with