^

Metro

Trike driver niratrat, utas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang nasawi, habang dalawa pa ang sugatan makaraang ratratin ng dalawang armadong kalalakihan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, nakilala ang nasawi na si Rommel Cudiamat, 29, ng Park 15 Creekside Brgy. Commonwealth sa lungsod. Habang sugatan naman sina Mariano Roduje, 32; at Ronimel Cudiamat, 38, na kapwa ginagamot ngayon sa East Avenue Medical Center.

Nangyari ang insidente sa may paradahan ng tricycle sa Pilot Drive, Brgy. Commonwealth ganap na ala-1:45 ng hapon sa lungsod.

Sinasabing nakapila ang mga biktima at naghihintay ng mga pasahero nang biglang dumating ang mga suspect lulan ng isang motorsiklo at bigla na lamang pinaulanan ng bala ang mga una.

Samantala, droga naman ang tinitingnan ng mga awtoridad na sanhi ng pamamaril dahil ang nasawi umanong si Cudiamat ay dati nang nakulong sa Urdaneta, Pangasinan kung saan apat na buwan pa lamang nakakalaya dahil sa umano’y pagbebenta nito ng ilegal na droga.

vuukle comment

BRGY

CREEKSIDE BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

CUDIAMAT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HABANG

ISANG

MARIANO RODUJE

ROMMEL CUDIAMAT

RONIMEL CUDIAMAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with