^

Metro

Fire volunteer, patay sa Russian roulette

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines - Dahil sa pagpalyang pumutok sa dalawang beses na pagkakataon ang hawak na baril, posibleng naasar ang lasing na fire volunteer kaya itinutok sa sariling ulo su­ba­lit sa pagkakataong iyon ay pumutok na siyang ikinasawi niya sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng MPD-Ho­micide Section, ang nasawi na si Richard Dungca, 32, ng Juan Luna St., Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng inuupahang bahay ng maglive-in partner na sina Jerwin Roque at Jenny Jardiel.

Nakipag-inuman pa uma­no ang biktima sa mga kaibigan dahil sa kaarawan ng anak nina Jerwin at Jenny nang hindi nagtagal ay nagpaalam uuwi na dahil tinatawag na ng misis nito.

Subalit bago pa tuluyang umuwi ay kinuha nito kay Jerwin ang ipinatagong baril na   9mm na nasa ilalim umano ng unan. Nang makuha ang baril ay ikinasa umano ng biktima at ipinutok subalit pumalya umano at hindi pumutok ng dalawang ulit.

Sa ikatlong pagkakataon at bago kinalabit ay itinutok pa sa kaniyang ulo. Subalit sa puntong iyon ay pumutok ang baril sa kaniyang ulo na ikinabagsak niya at kaagad nawalan ng ulirat.

Duguang isinugod sa Mary Johnston Hospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

Sinabi ng mga kaibigan ng nasawi na hindi na bago ang ginagawang paglalaro ng biktima sa kaniyang baril at posibleng nagkataon lamang na minalas na pumutok ang baril sa pag-aakalang papalya muli ito.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

AYON

JENNY JARDIEL

JERWIN

JERWIN ROQUE

JUAN LUNA ST.

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

RICHARD DUNGCA

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with