^

Metro

Binata nagbaril sa harap ng kainuman

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang 23-anyos na lalaki ang sinasabing nagpa­tiwakal sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili sa harap mismo ng kainumang babae, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nasawi sa loob ng Pasay City General Hospital dahil sa tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo si Mohamad Altawabeh, nangungupahan sa Central Park Condominium, F.D. George street, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Pasay police, naganap ang insidente sa loob ng inuupahang condominium unit ng biktima. Nabatid na nakikipag-inuman si Altawabeh sa 19-anyos na si Maricon Espinosa at kasamahan na si Aries Hizon na nagsimula kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Espinosa, dakong alas-7:30 ng umaga nang lasing na lasing na ang tatlo ay biglang bumunot ng baril si Altawabeh na itinutok nito sa sentido ngunit inakala lamang ng babae na nagbi­biro ito. Naba­lutan ng sindak at pagkagulat si Espinosa nang biglang iputok ito ng biktima.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.  

vuukle comment

ALTAWABEH

ARIES HIZON

AYON

CENTRAL PARK CONDOMINIUM

ESPINOSA

ISANG

MARICON ESPINOSA

MOHAMAD ALTAWABEH

NABA

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with